Okay… Kahapon ang tunay na April 22, 2005. Nung isa pang Kahapon… April 21(MaLamaNg!)… nagtxt ako kay cincere ng quote.. tapos may nakalagay na “Hapi Monthsary Cincere!”… okay… sending na… MesSagE Sent!Pagka-send ko nun nag-explore muna ako sa aking celphone… at ano ang una kong binisita??? Ang CaLeNdAr!... pag-select ko, nakita/nabasa ko ang day, Thursday… pag-tingin ko sa date 21 April… OMG! Mali! Akala ko 22 ngayon kaya ako nag-txt kay Cincere ng hapi monthsary… Tsk Tsk Tsk! Biglang pumasok sa aking Soft tissue which is protected by the hard bones which is the skull… in other words ay Utak!... na baka once na mabasa nila yun sabihin nila… “ba’t naman nag-greet agad si gem? Alam ba nyang 22 pa??!! o kaya mag-reply s’ya at sabihin “gem, bukas pa 22… ang aga mo naman mag-greet.. pero thank you na rin!” Nakakahiya! Ayoko masabihan ng ganun! Okei! So… inhale…exhale… isa lang ‘tong maliit na kahihiyan na kailangan ng mabilis na solusyon! …ayan… nagsisimula nang gumalaw at humanda sa pag-laban ang mga cell sa utak ko… kaya ganito… ganito ang ginawa ko… nag-txt ulit ako kay cincere… at ano ang sinabi ko?!...”Advance Happy Monthsary!”… yun lang! tatlong banyagang lengwahe ang tanging napag-laban ng utak ko para hindi ako malagay sa kahihiyan…ayan na… sending na… message sent! Oh Yes! Nakahinga na rin ako ng malalim at feeling ‘ko nanalo na sa guera ang mga cell sa utak ko at kasalukuyan na silang nagwawagayway ng bandera ng katapangan! Kaya kahapon… inuulit ko april 22… hindi ko na binati si cincere… dahil nung isang kahapon ko pa s’ya nabati.
Okey… tseynj tapik! (Change topic!)
Before I let you go… ang kasalukuyan kong pinapatugtog. Ewan ko kung bakit yan ang na-tripan ko. Kaya para malaman mo at malaman ko kung bakit, isa-isahin nating intindhin ang nilalaman ng musikang ito! Here it goes…
I can still remember yesterday (Hanggang ngayon naaalala ko pa ang kahapon?)
We were so in-love in a special way (Tayo ay sobrang inlab sa espesyal paraan?)
But knowing that you love me made me feel, oh so right (Pero ang alam ko mahal mo ko kaya ang feeling ko ay OH lahat ay nasa mabuting kalagayan?)
But now, I feel lost (Pero ngayon para akong naligaw?)
Don’t know what to do (Hindi ko alam ang gagawin?)
Each and every day I think of you (Bawat araw ikaw ang iniisip ko?)
Holdin’ back the tears (Pinipigilan kong lumuha)
I’m trying with all my might (Sinusubukan ang buong makakaya ko?)
Because you’re gone (Dahil wala ka na)
And left me standing all alone (at iniwanan mo akong nakatayo mag-isa?)
And I know I’ve got to face tomorrow (At alam ko na dapat kong harapin ang bukas)
On my own (ng mag-isa)
But baby (pero sanggol)
Before I let you go (Bago kita paalisin)
I want to say I love you (Gusto kong sabihin na Mahal kita!)
I hope that you’re list’nin (Sana ay nakikinig ka)
Coz it’s true (dahil ito ay pawang katotohanan)
Ooh baby (O sanggol!)
You’ll be forever in my heart (Ikaw ay nasa aking puso magpakailanman)
And I know that no one else will do (At alam ko na wala nang iba?)
So before I let you go (Kaya bago kita paalisin)
I want to say I love you (Gusto kong sabihin na mahal kita)
I wish that it could be like just before (Sana maging katulad nung una)
I know I could’ve given you so much more (Alam ko na marami akong maibibigay sa iyo)
Even though you know (kahit alam mo)
I’d given you all my love (Binigay ko lahat ng pagmamahal ko sa iyo)
I miss your smile (Namimiss ko na ang mga ngiti mo)
I miss you kiss (pati na rin ang iyong halik)
Each and everyday I reminisce (Bawat araw kong inaalala)
Coz baby it’s you that I’m always dreaming of (Dahil sanggol, ikaw ang pinapangarap ko?)
Ayan! Natapos ko rin! Ang hirap pala maging translator. Okay so… yan na yung pagkakaintindi ko sa kantang BEFORE I LET YOU GO… may kalokohan… may seryoso… may nakakaloka… may nakakatanga… may sabog-sabog!... may hindi mo maintindihan kung seryoso ba ‘ko o nagloloko lang… pero lahat yan buong puso kong pinag-isipan! At sa kabuuan hindi ko pa rin nalaman kung bakit yan ang natripan ko!
????????????
May napansin lang ako na gusto ko sa inyong i-share… tama ba yung katagang “buong puso king pinag-isipan”? sabihin niyo nga! Para naman din kasing mali kung “buong isip kong pinag-pusuan!”… ano ba yan! Ang fanget!... e kung… “buong puso kong pinag-pusuan” o “buong isip kong pinag-isipan”??? pero parang pwede na rin yung last kaso parang ang sagwa pakinggan eh! E ano pa ang tama?! ANO?! Mabuti pa mag-comment kayo para naman maliwanagan ako at para naman sumaya ako. Okay!?! Usapan yan ah!
Posted at 01:24 am by gemmy
permalink